^

Bansa

Dahil sa nCoV, mga Tsinong turista ilalagay sa '14-day quarantine' sa Cebu

James Relativo - Philstar.com
Dahil sa nCoV, mga Tsinong turista ilalagay sa '14-day quarantine' sa Cebu
Isa ang Cebu sa binisita ng 38-anyos na babaeng nagpositibo sa nCoV, maliban sa Dumaguete.
AFP/Mark Ralston

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Cebu Gov. Gwen Garcia na isasailalim nila sa 14-araw na quarantine ang mga bibisita sa Cebu na magmumula sa Tsina, kasunod ng papatinding banta ng nakamamatay na novel coronavirus (2019-nCoV).

Inilabas ni Garcia ang pahayag kasabay ng pagkumpirma ng Department of Health na nakapasok na ang unang kaso ng nCoV sa Pilipinas, Huwebes.

Isa ang Cebu sa binisita ng 38-anyos na babaeng nagpositibo sa nCoV, maliban sa Dumaguete.

"[I]lalagay sila sa quarantine sa loob ng 14 na araw," ayon kay Garcia sa isang Facebook post sa  Inggles.

Sa kabila nito, nanindigan si Garcia na hindi pa rin dapat magpatupad ng ban sa mga Tsino sa bansa.

"Hindi ito dapat 'Tayo laban sa kanila,' pero tayo laban sa virus na ito," wika ng gobernadora.

Kanina, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na irerekomenda na niya sa task force na pansamantalang ipagbawal ang pagpasok sa Pilipinas ng mga manggagaling sa kabuuan ng Hubei Province ng Tsina, kung saan marami nang naitalang kaso.

Umabot na sa 132 ang namamatay sa sakit habang 6,065 na ang kumpirmadong kaso na naitatala sa mundo, ayon sa World Health Organization.

vuukle comment

14-DAY QUARANTINE

CEBU

GWEN GARCIA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with