^

Bansa

'US travel ban' ni Duterte sa Gabinete masama ang epekto sa ekonomiya, seguridad, ani Lacson

James Relativo - Philstar.com
'US travel ban' ni Duterte sa Gabinete masama ang epekto sa ekonomiya, seguridad, ani Lacson
"Nagluluwas ang Pilipinas ng $10 bilyong halagang produkto taun-taon sa Amerika, at 52% din ng kabuuang US military support and assistance sa buong Asya-Pasipiko [ang napupunta sa atin]," sabi niya sa Inggles.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Sen. Panfilo Lacson sa mga diumano'y masasamang epekto ng pansamantalang pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Gabinete sa Estados Unidos, kasunod ng bantang tatapusin niya ang Visiting Forces Agreement.

Sabi ng senador, malaki ang magiging epekto nito hindi lang sa ekonomiya ngunit pati na rin sa seguridad ng bansa.

"Nagluluwas ang Pilipinas ng $10 bilyong halagang produkto taun-taon sa Amerika, at 52% din ng kabuuang US military support and assistance sa buong Asya-Pasipiko [ang napupunta sa atin]," sabi niya sa Inggles.

Dagdag pa ni Lacson, napakarami ring migranteng Pilipino ang nagtratrabaho sa Amerika, maliban sa makasasama raw kung gumanti sila sa mga tirada ng presidente.

"Dahil sa mga 'yan, umaasa akong magkakaroon ng tapang ang mga nasa Gabinete na kausapin si presidente para huwag itong ituloy," sabi pa niya.

Miyerkules nang gabi nang sabihin ni Digong na bawal munang magtungo ng Amerika ang lahat ng opisyal ng Gabinete ngayong nilalayon niyang tapusin ang VFA, na nagpapahintulot sa pagpasok ng mga sundalong Kano nang walang taning at kahit hindi nagsasabi ng espisipikong pakay.

Napapanatili din ng VFA ang jurisdiction ng US courts sa mga sundalong Amerikano na lumalabag sa batas ng Pilipinas, maliban na lang kung "importante para sa Pilipinas" ang nabanggit na krimen.

"Hindi ko papayagan ang sinumang miyembro ng Gabinete na pumunta doon ngayon. Walang Cabinet member na pwedeng pumunta ng Pilipinas, pansamantala," sabi ni Duterte.

Ika-23 ng Enero nang sabihin ni Duterte na puputulin niya ang VFA kung hindi ibabalik ng Amerika ang US visa ni Sen. Ronald dela Rosa, na kinansela kamakailan.

Hinala ng marami, may kinalaman sa nilagdaang 2020 US budget at Global Magnitsky Human Rights Accountability Act ang kinasasapitan ni Dela Rosa, na nagpapataw ng parusa sa mga may kinalaman sa "katiwalian" at "paglabag sa karapatang pantao."

Sa kabila nito, naninindigan ang Palasyo na hindi lang visa ni Dela Rosa ang dahilan bakit ibabasura ang VFA ngunit dahil din sa nagpatong-patong nang "pambabastos ng US senators."

"Ite-terminate ko talaga [ang VFA]. Hindi ako nagbibiro. Noong sinabi ko 'yon, 'yun ang araw na nagdesisyon akong putulin ito," sabi ni Duterte.

vuukle comment

CABINET

PANFILO LACSON

RODRIGO DUTERTE

UNITED STATES OF AMERICA

VFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with