^

Bansa

Special session hindi na tuloy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Special session hindi na tuloy
Ayon kay Sotto, wala ng pasabi sa kanya matapos ang Joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police Command Conference sa Malacañang noong Enero 7 kung saan pinag-usapan kung ano ang gagawin ng gobyerno kapag tumaas ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipinahiwatig kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na posibleng hindi na matutuloy ang pagpapatawag ng Malacañang ng special session para sa paghingi ng karagdagang pondo ng gobyerno sa pagpapa-uwi ng mga overseas Filipino workers mula sa Middle East.

Ayon kay Sotto, wala ng pasabi sa kanya matapos ang Joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police Command Conference sa Malacañang noong Enero 7 kung saan pinag-usapan kung ano ang gagawin ng gobyerno kapag tumaas ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Sinabi ni Sotto na posibleng nakita sa command conference na may sapat na pondo kaya hindi na kinailangang magpatawag ng special session.

Bukod pa rito, humina rin ang tensiyon sa Middle East matapos hindi sagutin ng Amerika ang ginawang pag-atake ng Iran sa dalawang base na pinagkakanlungan ng mga sundalong Amerikano sa Iraq.

Kung may sapat na rin aniyang pondo ay hindi na kailangan ng supplemental budget para sa paglilikas ng mga OFWs.

vuukle comment

MIDDLE EAST

VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with