^

Bansa

MWSS naglinaw sa ‘concession agreements’

Pilipino Star Ngayon
MWSS naglinaw sa �concession agreements�
Sa simula pa lamang aniya ay nilinaw na nila na ang “subsisting contract” na 25 taon ng Concession Agreements na nagsimula noong taong 1997 sa Maynilad at MWCI ay umiiral pa rin at sa taong 2022 pa magtatapos.
The STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng pahayag si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Emmanuel B. Salamat upang linawin ang impormasyon tungkol sa “concession agreement”sa Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) at Manila Water Services, Inc. (MWCI) na dahil sa bilis ng mga pangyayari at iba’t ibang nailathala sa media ay nagresulta ng mga di-wastong ispekulasyon sa isyu at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ukol dito kaya nais nilang malutas ito. 

Anya, nitong nakaraang Linggo, may mga ginawang aksiyon ang MWSS sa pamamagitan ng kanilang Board of Trustees, kaugnay sa mga naging anunsiyo ng Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang ahensiya ng pamahalaan tungkol sa Concession Agreements ng Maynilad at Manila Water. 

Sa simula pa lamang aniya ay nilinaw na nila na ang “subsisting contract” na 25 taon ng Concession Agreements na nagsimula noong taong 1997 sa Maynilad at MWCI ay umiiral pa rin at sa taong 2022 pa magtatapos.

Ang MWSS Board Resolution No. 2019-201-CO na may petsang December 9, 2019, ay pinapawalang bisa lamang ang dating Board Resolution No. 2009-72 na may petsang April 16, 2009 para sa ‘extension period’ mula 2022 hanggang 2037 ng Manila Water and Board Resolution No. 2009-180 na may petsa namang September 10 2009 para rin sa ‘extension of concession period’ mula 2022 hanggang 2037 ng Maynilad. 

vuukle comment

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with