^

Bansa

Boracay kabilang uli sa world’s best islands

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Boracay kabilang uli sa world�s best islands
Ayon sa Conde Nast Traveler na kinikilala at pinagkakatiwalaan sa larangan ng lifestyle travel, ang Boracay ang best island sa Asia at isa sa 30 pinakamagandang islands sa buong mundo sa taong 2019.
Chamen Catli/File

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwang pagsisikap ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) na isaayos ang isla ng Boracay na tinawag noong “cesspool,” muli itong itinanghal na isa sa best islands sa buong mundo ngayong taon.

Ayon sa Conde Nast Traveler na kinikilala at pinagkakatiwalaan sa larangan ng lifestyle travel, ang Boracay ang best island sa Asia at isa sa 30 pinakamagandang islands sa buong mundo sa taong 2019.

Noong isang taon ay hindi napasama ang Boracay sa listahan ng magagandang isla dahil sa isinagawang rehabilitasyon dito matapos ang dalawang magkasunod na taon noong 2016 at 2017 na kilalanin ito bilang world’s best island

Ngayong taon ay hinati sa anim na grupo ang pagkilala sa mga pinakamagandang isla sa mundo.

Ito ay ang Asia, Australia and South Pacific, Caribbean and Atlantic, Europe, North America at United States.

Sa ngayon ay may mahigit 80 percent na ang natapos sa gina­wang rehablitasyon ng pamahalaan sa Boracay.

vuukle comment

BORACAY

WORLD’S BEST ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with