^

Bansa

Palasyo hindi natatakot sa ‘pasasabugin’ ni Leni

Mer Layson, Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Palasyo hindi natatakot sa �pasasabugin� ni Leni
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na anuman ang sinasabi ng bise-presidente na nalaman nito sa ilang araw na pagiging drug czar ay malaya itong isiwalat ito sa taumbayan.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi nababahala ang Palasyo sa banta ni Vice-President Leni Robredo na may ibubunyag ito sa taumbayan na natuklasan nito kaugnay sa kampanya laban sa droga ng administrasyon sa maiksing pagiging co-chair nito ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na anuman ang sinasabi ng bise-presidente na nalaman nito sa ilang araw na pagiging drug czar ay malaya itong isiwalat ito sa taumbayan.

 Naniniwala si Panelo na nagbabangong-puri na lamang si Robredo dahil nakita ng taumbayan na wala itong nagawa para tumulong sa paglutas sa problema sa ilegal na droga.

Aniya, walang itinatago ang gobyerno at kaya siya (Robredo) inilagay sa ICAD ay upang tumulong siya sa paglutas ng drug problem kaysa sa puro pagbatikos lamang siya kaya walang itinagong impormasyon sa kanya ang ICAD.

Aniya, baka ang na­tuklasan ni Leni ay kulang sa budget ang ICAD kaya siya humihirit ng dagdag na pondo para dito.

Wika pa ng presidential spokesman, hindi magandang tingnan na ang bise-presidente ng bansa ay nag-iingay matapos masibak dahil sa kapalpakan nito.

Umaasa naman si Senador Panfilo “Ping” Lacson na mananahimik na lamang si Robredo kung  makakasira sa kampanya laban sa ilegal na droga ang isisiwalat nito.

Naniniwala si Lacson na karapatan ni Robredo ang magsalita bagaman at hindi na ito kaila­ngan kung makakasira lamang.

Hinimok ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  Director Geneal Aaron Aquino si Robredo na isiwalat ang kanyang mga natuklasan sa giyera kontra sa ilegal na droga ng gobyerno.

Ayon kay Aquino, anumang rebelasyon ni Robredo ay makakatulong ito sa PDEA para mapahusay at mapalawak pa ang anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with