^

Bansa

Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, matagal ng pangako ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matagal ng pangako at ginagawa ni Sen. Bong Go ang pagdalaw at pagtulong sa mga biktima ng sunog at kalamidad

Ayon kay Sen. Go, bago pa man ang election ay ipinangako niya na kapag siya ay nanalo ay dadalhin at ilalapit niya ang serbisyo ng gobyerno sa mga nasalanta ng sunog, bagyo, lindol at iba pang kalamidad.

“Wala pong pamumulitika ang pagtulong ko sa mga biktima, bagkus ito ay naipangako ko noong hindi pa ako Senador na kailangan kong tuparin,” ani Go.

Ayon pa sa bagitong Senador mula sa Davao City, tapos na ang eleksyon at malayo pa ang susunod na halalan kaya trabaho lang ang kanyang ginagawa.

Paliwanag pa ni Go, kapag ang mga probinsyano ay nangako ay tinutupad nila ito.

“Pamumulitika ba ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa mga taong nasunugan, binagyo at nilindol? Di ba trabaho talaga ng taong gobyerno yan” Hirit pa ni Go.

Ang mga pahayag ng dating Special Assistant to the President (SAP) Secretary ay sagot sa puna ng isang TV network na namumulitika siya. 

Anang Senador, kahit noong assistant pa lang siya ni Davao City Mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte ay dinadalaw at tinutulungan na nila ang mga nasunugan at iba pang biktima ng kalamidad.

 

vuukle comment

SEN. GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with