^

Bansa

P1.05-B ill-gotten wealth case vs. Marcoses ibinasura ng Sandiganbayan division

James Relativo - Philstar.com
P1.05-B ill-gotten wealth case vs. Marcoses ibinasura ng Sandiganbayan division
Ayon sa Sandiganbayan Second Division, "insufficient" o hindi sapat ang mga inilatag na ebidensya.
File

MANILA, Philippines — Dinismiss ng isang anti-graft court ang inihaing kaso ng Presidential Commission on Good Governance noong Marso 1988 laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos, kanyang may-bahay at mga "crony" kaugnay ng mga diumano'y P1.052 bilyong nakaw na yaman.

Layon kasi ng PCGG na mabawi ang pera't ari-arian na "iligal na kinamal" na nagpayaman daw kina Ferdinand Marcos, Imelda Marcos, Bienvenido Tantoco Sr., Benvenido Tantoco Jr., Gliberia Tantoco, Maria Lourdes Tantoco-Pineda, Dominador Santiago, mula ika-30 ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986.

Pero ayon sa Sandiganbayan Second Division, "insufficient" o hindi sapat ang mga inilatag na ebidensya.

"WHEREFORE, in view of the foregoing, the subject Expanded Complaint for Reconveyance, Reversion, Accounting, Restitution and Damages is DMISMISSED for insufficiency of evidence," ayon sa desisyong nilagdaan ni Associate Justice Michael Frederick Musngi.

Sa 30-pahinang dokumento, na pinetsahang ika-25 ng Setyembre, sinabing hindi napatunayan ng mga dokumento at mga saksi na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng pamilya Tantoco at Marcos.

Inaakusahan kasi si Bienvenido na umakto bilang "dummy" ng dating presidente para makakuha ng mga asset.

"Evidently, the plaintiff Republic failed to prove their by preponderance of evidence that the defendants by themselves, or in conspiracy with defendants Marcoses, obtained ill-gotten wealth," dagdag ng papel.

Ito na ang ikalawang beses na nagwagi ang mga Marcos pagdating sa mga reklamo sa loob ng dalawang buwan.

Agosto nang manalo ang mga Marcos at kanilang mga "crony" sa kaso na humihingi ng P102 bilyong moral at exemplary damages, dahil din sa hindi sapat ang ebidendya. 

Taong 2018 naman nang mahatulang nagkasala si Imelda sa pitong counts ng graft.

Kontrobersyal ang mga Marcos hindi lang sa isyu ng diumano'y pagnanakaw ng pera ng bayan ngunit dahil rin sa kaliwa't-kanang pang-aabuso ng karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar.  — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

ILL-GOTTEN WEALTH

IMELDA MARCOS

MARTIAL LAW

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with