^

Bansa

‘Sideline’ ng Senate employee sisiyasatin ng CSC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Civil Service Commission (CSC) ang napabalitang pagbebenta ng empleyado ng Senado ng mga imported na damit, bags, sapatos at iba pang personal na mga accessories.

Idiniin ni Commissioner Attorney Aileen Lizada na mahigpit na ipinagbabawal ng panuntunan ng CSC ang pagbebenta ng kahit anong personal o pambahay na kagamitan, o gawing ‘tiangge’ sa anumang opisina o ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Lizada, mahalagang maging tapat sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin ang mga kawani ng executive, legislative at judiciary kaya’t ipinagbabawal ang ‘sideline’ sa trabaho.

Nakipag-ugnayan na ang opisina ni Lizada sa regional director ng CSC-National Capital Region para imbestigahan at kastiguhin ang isang em­pleyado ng Senado na nahuli sa aktong nagbebenta ng mga damit sa oras ng trabaho.

 

vuukle comment

CSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with