^

Bansa

Duterte kokomprontahin si Poe

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte kokomprontahin si Poe
Ayon sa Pangulo, tingin ni Poe sa kanyang sarili ay siya na lamang ang tanging indibidwal sa buong mundo na may natitirang integridad at katapatan.
AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines – Kokomprontahin ni Pangulong Duterte si Sen. Grace Poe upang personal na ibulalas dito ang kanyang emosyon matapos harangin ng senadora ang pagkakaloob ng emergency powers sa Pangulo sa pagdinig ng Senado kamakailan.

Iminungkahi ni DOTr Sec. Arthur Tugade sa Senado na bigyan ng emergency powers si Pangulong Duterte upang mahanapan ng solusyon ang grabeng trapik sa EDSA subalit muli itong kinontra ni Poe.

Katwiran ng mambabatas ay hindi na kaila­ngan ang emergency po­wers upang walang maging sagabal sa procurement process dahil sapat na ang umiiral na batas hinggil dito at pa­ngamba pa ni Poe na pag­mulan ito ng corruption.

Ayon sa Pangulo, tingin ni Poe sa kanyang sarili ay siya na lamang ang tanging indibidwal sa buong mundo na may natitirang integridad at katapatan.

Muli ay binigyang-diin ni Duterte na wala na siyang interes sa posibilidad na mabigyan pa siya ng emergency powers para hindi na rin aniya siya mapaghinalaan pa na kukurakutin lang ang pera ng bayan gaya ng nais aniyang palabasin ni Poe.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with