^

Bansa

Panelo sa African Swine Fever: Walang dapat ikatakot sa pagkain ng baboy

James Relativo - Philstar.com
Panelo sa African Swine Fever: Walang dapat ikatakot sa pagkain ng baboy
"The fact alone na kumain 'yung mga secretaries and me [ng baboy kanina]... wala namang nangyari sa akin. Lalo yata ako naging healthy," ani presidential spokesperson Salvador Panelo.
The STAR/Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Pinahupa ng Palasyo ang takot ng publiko tungkol pagkain ng baboy matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture na nakapasok na ang African Swine Fever sa Pilipinas.

Lunes nang sabihin ni Agriculture Secretary William Dar na ASF ang ikinamatay ng ilang baboy sa bansa nang magpositibo sa sakit ang 14 sa 20 blood samples ng nasabing hayop mula Rizal at Bulacan.

Paglalahad ni presidential spokesperson Salvador Panelo, siya mismo at ilang miyembro ng Gabinete ay kumain ng pork ngayong araw.

"The fact alone na kumain 'yung mga secretaries and me [ng baboy kanina]... wala namang nangyari sa akin. Lalo yata ako naging healthy," ani Panelo sa press briefing ng Malacañang.

Umaga nang lantakan nina Department of Health Secretary Francisco Duque III, Dar at iba pa ang sari-saring putahe sa isang boodle fight upang patunayang ligtas ang mga inilalakong baboy sa merkado.

Malubhang nakamamatay ang ASF sa mga baboy ngunit hindi nakikitang banta sa kalusugan ng tao.

Tinatayang nagkakahalaga P260 bilyon ang industriya ng pagbababoy sa Pilipinas.

Ani Panelo, iiwasan sana niya ang pagkain nito ngunit kumonsumo pa rin nito ngayong umaga.

Karagdagang pag-iingat, tests

Sa kabila nito, inabisuhan ng Palasyo ang lahat na maging maingat at antayin ang mga utos ng DA.

"Kailangan nating antayin ang mga circular at impormasyong manggagaling sa DA para sabihan tayo kung anong dapat gawin, lalo na sa ating kumakain," wika pa ni Panelo sa Inggles.

"Kailangan nating antayin ang kalihim ng DA. Kung ligtas ba ito, anong mga lugar ang ligtas kumuha ng baboy."

Sabi ni Dar, umabot na sa 7,416 na baboy ang pinatay sa mga lugar na saklaw ng 1-kilometer radius ng mga apektadong erya.

Kinukumpirma pa ng departamento kung nakapasok na rin ang ASF sa iba pang bahagi ng bansa, ngunit hindi niya tinukoy kung saan ang mga ito.

Hinihintay pa naman ng ahensya ang resulta ng mga susunod pang pagsusuri, na titiyak kung gaano kalala ang epekto ng virus.

"Bagama't tiniyak na ng [polymerase chain reaction] test na African Swine Fever ito, hindi pa natin alam kung gaano ito kalubha," sabi ni Dar.

Una nang ipinatanggal ng DA at Food and Drug Administration sa lokal na merkado ang iba't ibang uri ng imported pork products, gaya ng "Ma Ling," kaugnay ng kinatatakutang sakit. 

Kasama ang mga bansang Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Zambia, Belgium, Bulgaria, Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, Poland, China (kasama ang Hong Kong), Vietnam, Mongolia at Cambodia sa mga tinukoy ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol na apektado ng ASF. — may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

vuukle comment

AFRICAN SWINE FLU

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF HEALTH

MALACANANG

PORK

SALVADOR PANELO

WILLIAM DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with