^
Pork products, pati Ma Ling, ipinatatanggal ng FDA dahil sa African Swine Fever
Babala ng DA, kahit na hindi nakahahawa sa tao ang swine fever ay maaari nitong malipol ang populasyon ng baboy sa bansa.
File

Pork products, pati Ma Ling, ipinatatanggal ng FDA dahil sa African Swine Fever

James Relativo (Philstar.com) - May 28, 2019 - 3:10pm

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Food and Drug Administration ang pagtatanggal sa merkado ng mga "processed pork products" galing sa mga bansang apektado ng African Swine Fever ngayong Martes.

Sa panayam ng CNN Philippines kay FDA officer-in-charge Eric Domingo, sasamsamin daw ito upang maiwasan ang kontaminasyon ng mga lokal na pamilihan.

"These will be padlocked to be sure na hindi na maibebenta," ani Domingo.

Dagdag ni Domingo, na undersecretary din ng Department of Health, hindi basta-basta nawawala ang sakit: "A virus can stay dormant. Kahit processed, minsan naiiwan ang virus." 

Sa kanyang Facebook post, hiniling ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol sa FDA na i-ban ng FDA ang mga pork products gaya ng "Ma Ling," sausage, ham, atbp. mula sa mga bansang apektado ng ASF na ginawa mula Agosto 2018.

Dapat din daw ay tigilan na ng FDA ang pagbibigay ng import clearances pagdating sa mga naturang produkto.

"The ASF is a deadly disease of hogs which has no vaccination and no known cure. Although it is not contagious to humans, the disease could wipe out the hog population of a country," sabi ni Piñol.

(Ang ASF ay nakamamatay na sakit ng baboy na walang bakuna at walang gamot. Kahit na hindi ito nakahahawa sa tao, maaari nitong maubos ang populasyon ng baboy sa bansa.)

Milyun-milyong baboy na ang pinatay sa mga bansang Tsina at Vietnam matapos tamaan ng ASF, dahilan para mawala ang 30% ang swine population sa Tsina.

Tinukoy ni Piñol ang mga bansa tulad ng Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Zambia, Belgium, Bulgaria, Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, Poland, China (kasama ang Hong Kong), Vietnam, Mongolia at Cambodia bilang apektado ng ASF.

Ayon sa DA, papatawan ng multang P200,000 ang mga magpapasok nito sa bansa at kukumpisahin agad sa mga paliparan.

Supermarket owners 'susunod sa recall'

Pumabor naman ang Philippine Amalgamated Supermarket Association sa kautusan ng FDA.

Ayon sa kanilang presidente na si Steven Cua, delikado raw ito kung umabot sa mga farm ang mga dumi mula sa mga naturang produkto.

"[I]f it's going to be that bad for the economy, I think kapag sinabi nilang kailangang itabi ang mga galing sa mga may African Swine Flu like China... then we'll have to do it," sabi ni Cua.

"Kung doon galing nga 'yung de lata namin, itatabi muna namin siguro temporarily, ido-double check, hopefully hindi umabot ng expiration, and talk to the suppliers."

Pero hiling nila, sana raw ay makipagtulungan sa kanila ang mga supplier ng mga naturang karne lalo na't napakarami nito.

"We are willing to take them back if suppleirs are willing to take them back also," paliwanag niya.

Kanilang pagsisiguro, makikita naman daw ang manufacturing date sa lahat ng mga nasabing produkto kung kaya't malalaman kung anong mga produkto ang dapat iwasan.

AFRICAN SWINE FEVER DEPARTMENT OF AGRICULTURE FOOD AND DRUG ADMINISTRATION. PORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with