^

Bansa

Revilla kinontra na makadalo ng sesyon si de Lima

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Revilla kinontra na makadalo ng sesyon si de Lima
Ayon kay Revilla, walang pinagkaiba ang sitwasyon nila ni de Lima at lalabas na mabibigyan ito ng special treatment kung papayagan na makapag-participate sa sesyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines – Tinawag kahapon ni Sen. Bong Revilla na double standards ang isinusulong na makalaya si Sen. Leila de Lima upang magampanan niya ang kanyang trabaho bilang senador.

Ayon kay Revilla, walang pinagkaiba ang sitwasyon nila ni de Lima at lalabas na mabibigyan ito ng special treatment kung papayagan na makapag-participate sa sesyon.

Bagaman at nakasuhan dahil sa akusasyon na nakinabang sa kanyang pork barrel funds, sinabi ni Revilla na “politically motivated” ang kanyang mga kaso at may mga tumutol din na makasali siya sa sesyon ng Senado kabilang si de Lima na nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan sa loob ng bilangguan.

Nauna rito, walong dating senador ang nagpaha­yag ng suporta na payagan si de Lima na magampanan ang kanyang trabaho bilang mambabatas na ibinoto ng nasa 14 milyong Filipino noong 2016 elections.

Kabilang sa lumagda sa petisyon sina dating Senators Rene Saguisag, Wigberto “Ka Bobby” Tanada Sr., Sergio “Serge” Osmena III, Antonio “Sonny” Trillanes IV, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Mar Roxas, Francisco “Kit” Tatad, at Benigno S. Aquino III.

 

vuukle comment

SEN. BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with