^

Bansa

Cayetano, Velasco maghahati sa termino - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Cayetano, Velasco maghahati sa termino - Digong
Maghahati sina Ca­yetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa termino sa pagka-Speaker habang ang isa pang kandidato ay magiging majority lea­der, ayon sa pahayag ni Duterte.
File Photo

Sa pagka-House Speaker

MANILA, Philippines — Inindorso kahapon ng hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Taguig Rep. Alan Peter Caye­tano bilang susunod na Spea­ker ng House of representatives. 

Maghahati sina Ca­yetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa termino sa pagka-Speaker habang ang isa pang kandidato ay magiging majority lea­der, ayon sa pahayag ni Duterte.

Nauna rito, sinabi ni Cayetano na puma­yag siyang magsilbing Speaker sa loob ng 15 buwan at papalitan ni Velasco para sa loob ng 21 buwan.  Pero umatras ang huli kinalaunan.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa oath-taking ceremony ng bagong talagang mga opisyal sa Malakanyang.

“Si Alan Peter Cayeta­no ang magiging Spea­ker ninyo,” pagdedeklara ni Duterte.

Naging running mate ni Duterte si Cayetano sa halalang pampanguluhan noong 2016.

Ang mga bagong opis­­yal ng House ay ihahalal sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22, 2019 na siya ring araw na ihahayag ni Duterte ang kanyang ikaapat na State of the Nation Address.

Naunang napaulat na  nagkasundo ang tatlong contender sa pagiging speaker ng Kamara na kausapin si Pangulong Duterte upang malutas ang isyu sa speakership bago ang pagbubukas ng Kongreso sa July 22.

 Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tinawagan niya kahapon sa telepono si Romualdez at kinumpirma nito na nagkasundo sila nina Cayetano at Velasco na kausapin si Pangulong Duterte upang matuldukan na ang isyu ng speakership.

“Nagkasundo kami (Cayetano, Velasco at Romualdez) na hingin ang payo ni Pangulong Duterte kung paano malulutas ang usapin sa pagka-Speaker sa House,” wika ni Romualdez sa pag-uusap nila ni Panelo sa telepono.

Nauna rito, umatras na si Davao City 1st district Rep. Paolo Duterte sa pagtakbo sa pagka-Speaker matapos nilang mag-usap ng kanyang ama na si Pangulong Duterte bagkus ay sinusuportahan nito ang pambato ng Hugpong ng Pagbabago na si Rep. Isidro Ungab.

 Inimbitahan naman ng Partylist Coalition Foundation sa kanilang general meeting ngayon (Martes) si Rep. Ungab matapos isama nila ito sa kanilang pinagpipilian bukod kina Velasco at Romualdez.

vuukle comment

ALAN PETER CAYE­TANO

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with