^

Bansa

Justice Carpio liliban sa pagdinig ng kaso ng West Philippine Sea

James Relativo - Philstar.com
Justice Carpio liliban sa pagdinig ng kaso ng West Philippine Sea
Sa ulat ng The STAR Martes, sinabing hindi na makalalahok si Carpio sa proceedings ng petisyong nais mag-obliga sa gobyernong protektahan ang marine resources sa West Philippine Sea na magaganap ngayong hapon.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Hindi na makakasama sa oral arguments si Senior Associate Justice Antonio Carpio pagdating sa hinihinging Writ of Kalikasan sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.

Sa ulat ng The STAR Martes, sinabing hindi na makalalahok si Carpio sa proceedings ng petisyong nais mag-obliga sa gobyernong protektahan ang marine resources sa West Philippine Sea na magaganap ngayong hapon.

Kinumpirma na rin ito ni Brian Kieth Hosaka, hepe ng Public Information Office ng Korte Suprema.

"[We hereby confirm] the voluntary inhibition of Senior Associate Justice Antonio Carpio from the case... for reasons he stated before the en banc," ani Hosaka

(Kinukumpirma namin ang boluntaryong pag-atras ni Senior Associate Justice Antonio Carpio mula sa kaso... sa mga kadahilanang binanggit niya sa en banc.)

"As a consequence, according to him, he will no longer be attending the oral arguments this afternoon."

(Bunga nito, ayon sa kanya, hindi na siya pupunta sa mga pagdinig ngayong hapon.)

Nitong Huwebes, matatandaang naghain ng mosyon ang Office of the Solicitor General na humihiling sa Korte Suprema na harangin, o i-inhibit, ang pakikisangkot ni Carpio sa kaso.

Ayon sa OSG, may "personal bias" at "pagkiling" daw si Carpio.

Sinabi ni Carpio sa isang ulat ng Philstar.com na wala siyang nakitang "compulsory ground" para mag-inhibit, pero gagawin niya ito para mapanatag ang loob ng solicitor general.

Kilala si Carpio sa pagkundena sa mga posisyon ng gobyerno pagdating sa West Philippine Sea, kabilang na rito ang pagsabing "unconstitutional" ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangingisda ng Tsina sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Ayon sa pangulo, saklaw raw iyon ng isang kasunduan nila ni Xi Jinping, ang pangulo ng China.

Una nang naglabas ng Writ of Kalikasan ang Supreme Court en banc, na hinihingi ng Kalayaan Palawan Farmers and Fisherfolk Association, para maprotektahan, mapangalagaan, ma-rehabilitate at maibalik ang marine environment sa Panatag Shoal, Ayungin Shoal at Panganiban Reef.

Pagpapaliwanagin ngayon ang gobyerno sa kanilang diumano'y pagsasawalang-bahala sa mga aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea. 

'Personal na desisyon'

Sa hiwalay na panayam ng media ngayong araw, hindi naman makapagkomento si presidential spokesperson Salvador Panelo kung tama ang ginawang desisyon ng mahistrado.

"Aba'y nasa kanya nga 'yan eh, if he feels it's proper kasi he inhibited himself," ani Panelo.

"If he didn't think it's proper, he would have not (Kung sa tingin niya'y mali 'yon, hindi niya sana ginawa)." 

Bagama't sinabi noon ni Carpio na labag sa konstitusyon ang pagpayag ni Duterte sa pangingisda ng Tsina sa loob ng EEZ, sinabi na rin nito na wala siyang interes na manawagan para sa impeachment ng pangulo. — may mga ulat ni Edu Punay at Kristine Joy Patag

vuukle comment

ANTONIO CARPIO

WEST PHILIPPINE SEA

WRIT OF KALIKASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with