^

Bansa

Maynilad pinarusahan ng MWSS dahil sa 'malubhang' epekto ng water interruption

James Relativo - Philstar.com
Maynilad pinarusahan ng MWSS dahil sa 'malubhang' epekto ng water interruption
Dahil dito, ipinag-utos ng MWSS na bigyan ng P2,500 diskwento ang ang mga kabahayang naperwisyo nito sa Brgy. Captain Albert Aguilar sa Las Piñas nitong Mayo.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Haharap sa mga penalty ang private water concessionaire na Maynilad matapos mapagdesisusyonan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Board of Trustees na bigo ang kumpanya sa pagtupad sa kanilang mga obligasyon sa concession agreement.

Kaugnay pa rin ito ng nangyaring water interruption kasabay ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, na lubha raw nakaapekto sa ilang residente ng Las Piñas City.

"Due to Maynilad's failure to meet its Service Obligations under the Concession Agreement, a financial penalty has been imposed," pagkukumpirma ni Patrick Ty, chief regulator ng MWSS.

(Dahil sa kabiguan ng Maynilad na sumunod sa service obligations sa ilalim ng concession agreement, pinatawan sila ng pinansyal na parusa.)

Dahil dito, ipinag-utos ng MWSS na bigyan ng P2,500 diskwento ang mga kabahayang naperwisyo nito sa Brgy. Captain Albert Aguilar sa Las Piñas nitong Mayo.

Ilalapat daw ito sa mga susunod na mga water bill o statements of account hanggang sa magastos itong lahat.

"[I]t was determined that Maynilad customers who were severely affected in the above mentioned area were deprived of water service with a minimum pressure of seven (7) psi for a period of more than fifteen (15) days, which adversely affected the public health or welfare," dagdag ni Ty.

(Napag-alaman na nasa pitong psi lang sa loob ng labing limang araw ang natamasa ng mga nasabing lugar, na labis nakaapekto sa kalusugan at kapakanan nila.)

Titiyakin naman daw ng MWSS Regulatory Office na agarang maipatutupad ang mga rebate upang "mapangalagaan ang kanilang interes.)

Pero ayon naman sa Maynilad, wala pa silang natatanggap na opisyal na notice mula sa MWSS.

"We will coordinate with our regulators to determine the rationale behind their decision and how they arrived at their computations," sabi ng Maynilad sa isang pahayag.

(Makikipag-ugnayan kami sa ating mga regulator para maintindihan ang dahilan ng kanilang desisyon at kung paano nila naabot ang kanilang mga kwinenta.) — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

MAYNILAD

MWSS

WATER INTERRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with