^

Bansa

Basurang ipinuslit sa Mindanao mula Hong Kong ibabalik ngayong araw

James Relativo - Philstar.com
Basurang ipinuslit sa Mindanao mula Hong Kong ibabalik ngayong araw
Sakay ng container ship na SITC Nagoya, maglalayag pabalik ng Hong Kong ang 22 sling bags ng sari-saring plastic waste na idineklarang "assorted electronic accessories."
Release/EcoWaste Coalition

MANILA, Philippines — Pinangasiwaan ng Bureau of Customs ngayong Lunes ang pagpapabalik ng tone-toneladang basura sa Hong Kong na iligal na ipinasok sa bansa.

Sakay ng container ship na SITC Nagoya, maglalayag pabalik ng Hong Kong ang 22 sling bags ng sari-saring plastic waste na idineklarang "assorted electronic accessories."

"Today, we are shipping back one container van of mixed garbage consisting mostly of plastic scraps and shredded electronic parts to their source," sabi ni Bureau of Customs Port Collector John Simon ngayong umaga.

(Ngayong araw, ibabalik natin ang isang container van ng halu-halong basura na panay plastic scraps at dinurog na electronic parts sa kanilang pinanggalingan.)

Ayon kay Simon, iligal ang pagkukubli sa mga basura bilang mga accessories at paglabag sa mga batas ng Hong Kong, Pilipinas at basel Convention mismo.

"In line with the mission of the Bureau of Customs to strengthen efforts against smuggling and other customs fraud, we are returning this unlawful shipment to protect our nation’s health and the environment."

(Karugtong ng misyon ng BOC na palakasin ang ating pagsusumikap laban sa smuggling at iba pang customs fraud, ibinabalik natin ang kargamentong ito para protektahan ang kalusugan ng ating bansa at kalikasan.)

Matatandaang dumating sa Mindanao Container Terminal ng Tagaloan, Misamis Oriental ang basura noong ika-2 ng Enero lulan ng SITC Fujian.

Ikinatuwa naman ng isang grupong makakalikasan ang aksyon ng pamahalaan lalo na't napigilan daw ng pagharang na ito ang pagpasok ng 70 iba pang container na may kaparehong laman.

"By quickly returning the illegal waste shipment and skipping bureaucratic delay, our nation is sending a clear and unambiguous warning to waste traffickers to stop sending other countries’ wastes into our ports," ani Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition.

(Sa mabilis na pagbabalik ng mga basurang ito at pag-iwas sa mabagal na burukratikong proseso, nagpapahiwatig ang ating bansa ng malinaw na babala para pigilan ang mga waste traffickers na magpadala pa sa ibang bansa.)

Kaugnay nito, hindi naman naiwasan ng Customs at EcoWaste Coalition na mapakanta ng "Pilipinas kong Mahal" habang binubuhat ng crane ang container van na may lamang basura.

Papalaot ang mga naturang plastic waste matapos lisanin ng 69 container ng basura mula Canada ang bansa nitong Biyernes.  — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

ECOWASTE COALITION

GARBAGE

HONG KONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with