^

Bansa

Pagkuha ng visa sa South Korea mas padadaliin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagkuha ng visa sa South Korea mas padadaliin
Mas padadaliin na ng South Korea ang proseso ng pagkuha ng visa para sa mga Pilipinong nais bumisita doon. Ito ang kinumpirma ni Korean Ambassador to the Philippine Han Dong-Man kasabay ng paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa simula noong 1949.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Mas padadaliin na ng South Korea ang proseso ng pagkuha ng visa para sa mga Pilipinong nais bumisita doon.

Ito ang kinumpirma ni Korean Ambassador to the Philippine Han Dong-Man kasabay ng paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa simula noong 1949.

Sinabi ni Han na naiintindihan niya ang pagnanais ng mga Pilipino na makapunta sa kanilang bansa lalo na at sikat na sikat ang K-Pop, K-Drama at iba pang aspeto ng Korean entertainment sa mga Pilipino.

Sa halip na sa Korean Embassy, maaaring mag-aplay ng visa ang mga Pilipino sa mga akreditong travel agency habang “proof of employment” na lamang ang kailangang ipasa ng mga kuwalipikadong propesyunal at mga nagtatrabaho sa pamahalaan.

Sinabi ni Han na nasa 1.46 milyong Koreanong turista ang bumisita sa Pilipinas noong 2018 na bahagi ng kanilang pangako kay Pangulong Duterte na magdadala ng nasa dalawang milyong turista.

Bukod dito, dodoblehin din ang bubuksang scholarship para sa mga Pinoy na gustong mag-aral sa Korea.

Magdadala naman ang Korean Embassy ng mas maraming Koreanong turista sa Pilipinas.

Layon ng mga palitang ito na matuto pa ang mga Pinoy at Koreano sa isa’t isa partikular sa kultura ng bawat isa.

vuukle comment

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with