^

Bansa

Duterte ipinakilalang ‘First Lady’ si Honeylet

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte ipinakilalang �First Lady� si Honeylet
Magugunitang karaniwan ng miyembro ng Gabinete o pinakamataas na opisyal ng gobyerno ang nagbibigay ng introduksyon kay Pa­ngulong Duterte bilang pangunahing speaker subalit sa Filcon meeting ay si Honeylet ang nagpakilala sa Pangulo.

MANILA, Philippines — Sa unang pagkaka­taon ay ipinakilala ni Pa­ngulong Duterte bilang “First Lady” sa publiko ang kanyang long time partner na si Honeylet Avanceña sa pagharap nito sa Filipino community sa Tokyo, Japan kamakalawa ng gabi.

Magugunitang karaniwan ng miyembro ng Gabinete o pinakamataas na opisyal ng gobyerno ang nagbibigay ng introduksyon kay Pa­ngulong Duterte bilang pangunahing speaker subalit sa Filcon meeting ay si Honeylet ang nagpakilala sa Pangulo.

Bago ipinakilala ang Pangulo, nagbigay din ng mensahe si Ms. Avanceña kaugnay sa karanasan nito bilang dating OFW sa Estados Unidos.

Dito ay naikwento ni Avanceña ang naranasang sakripisyo at kalungkutang malayo sa mga minamahal sa buhay sa Pilipinas, gaya ng pinagdaraanan ng ibang OFWs.

Si Pangulong Duterte ay matagal ng “annuled” sa nauna nitong asawa na si Elizabeth Zimmerman, nanay nina Davao City Mayor Inday Sara, Congressman-elect Paolo at Baste Duterte pero hindi pa ikinakasal kay Avanceña kung saan ito may anak na si Kitty.

vuukle comment

HONEYLET AVANCEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with