^

Bansa

2 party system hinging ibalik

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 party system hinging ibalik
Ayon kay Buhay partylist Lito Atienza, ito ay dahil sa halos 34 na congressional at lokal na kandidato ay unopposed o walang kalaban nitong May 13 midterm elections kaya nagkakaroon ng dysfunctional democracy sa bansa.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Para masiguro ang check and balance sa gobyerno, dapat na ibalik ang two party system sa bansa.

Ayon kay Buhay partylist Lito Atienza, ito ay dahil sa halos 34 na congressional at lokal na kandidato ay unopposed o walang kalaban nitong May 13 midterm elections kaya nagkakaroon ng dysfunctional democracy sa bansa.

Giit ni Atienza ang pagkakaroon ng isang kandidato lang para sa isang elective post ay masama dahil walang mapapagpilian ang tao.

Bukod dito, masama din umano ito sa sistema ng check and balance ng gobyerno gayundin sa political parties.

Lumalabas sa record ng Commission on Elections (Comelec) na 34 congressional candidates ang tumatakbo na walang kalaban.

Gayundin umano sa dosenang kandidato sa pagka-gobernador, mayor at iba pang lokal na posisyon ang tumatakbo nang walang kalaban.

Ang nangyayari umano ngayon ay ka­ramihan sa mga kandidato ay nakikipagka­sundo na lamang sa mahihinang kalaban kaya lumalabas ay usap usapan na lamang.

Dahil dito kaya na­nawagan ang kongresista na ibalik na lang ang two-party system kung saan dalawang major political parties lang ang nangunguna tulad dati na ang na­ngunguna ay Liberal Party at Nacionalista party lang.

vuukle comment

LITO ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with