^

Bansa

Mar, kalidad na kandidato-Recto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inendorso  ni Senador Ralp Recto ang kandidatura ni Mar Roxas na magbabalik sa senado matapos ang eleksyon ngayong Mayo.

Ayon kay Recto, pihikan siya sa pag-endorso at naniniwala siyang ang kalidad ni Roxas ang kailangang maka­balik sa Mataas na Kapulungan ng kongreso.

Si Roxas ay isa  lamang sa piling panauhin na inimbita nila Recto at ng kabiyak na si Congresswoman Vilma Santos para sa miting de avance ng Team Bangon Lipa nitong unang linggo ng buwan na dinaluhan ng mahigit 20,000 mamamayan.

“Isang malaking karangalan na makibahagi sa inyong napakahalagang miting de avance. Sa kabila ng mga fake news at pang-iintriga, hindi kayo bumitiw. Magmula noon hanggang sa ngayon, si Mar Roxas nandyan kasama ni Ralph Recto na naglilingkod nang tapat. Kaya nandito si Mar Roxas, nais magpatuloy ng kanyang paglingkod,” sabi pa ni Roxas.

Nang tanungin si Recto kung bakit inimbita si Roxas na hindi naman nila kapartido, sinabi ni nitong: “Piling-pili naman yung mga inimbita natin. Yung mga karapat-dapat. Ang mga Batangueno ay magaling pumili. Ano man ang kulay ng partido mo, kumportable tayo. Ang mahalaga, ang mga karapat-dapat lang ang dapat nating iluklok sa senado”

vuukle comment

MAR ROXAS

RALP RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with