^

Bansa

Paglala ng problema ng iligal na droga imbestigahan – Enrile

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Paglala ng problema ng iligal na droga imbestigahan � Enrile
Ayon kay Enrile, dapat ding mas palakasin ang pu­wersa ng kapulisan at militar dahil marami pang nakakapasok na droga sa teritoryo ng Pilipinas.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Matapos aminin ni Pangulong Duterte na hindi pa rin tapos ang problema ng iligal na droga at mas lalo pa itong lumala, iginiit ni dating senator Juan Ponce Enrile na marapat lamang na magkaroon ng imbestigasyon tungkol dito.

Ayon kay Enrile, dapat ding mas palakasin ang pu­wersa ng kapulisan at militar dahil marami pang nakakapasok na droga sa teritoryo ng Pilipinas.

Idinagdag ni Enrile na kailangan na bigyan ng mas malaking budget ang Philippine National Police at ang militar para magkaroon ng mas maraming patrol boats at mga modernong kagamitan na magagamit sa panganga­lap ng impormasyon.

Patunay aniya na hindi nahihinto ang pagpasok ng iligal na droga ang mga malalaking shipment ng shabu na nasasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pero idinagdag ni Enrile na hindi sapat na nahuhuli ang shipment ng shabu dahil mahalaga rin na mapanagot ang mga taong nasa likod nito.

Mas magiging epektibo aniya ang kampanya laban sa iligal na droga kung may nasasampolan at may napapanagot sa batas.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with