^

Bansa

P9-B dagdag na financial assistance ng Kamara sa LGUs nasilip

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P9-B dagdag na financial assistance ng Kamara sa LGUs nasilip
Sa naturang deliberasyon, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na kahalintulad ang other financial assistance budget sa farm to market road projects na isiningit ng Kamara ng walang konsultasyon sa DBM.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nasilip ni Sen. Panfilo Lacson ang ginawang pagpapalobo ng House of Representatives sa pondo ng assistance to local government units na hindi kinokonsulta ang Department of Budget and Management (DBM).

Ito’y hinggil sa karagdagang P9 billion pondo para sa iba’t ibang financial assistance sa mga local government units (LGUs).

Sa naturang deliberasyon, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na kahalintulad ang other financial assistance budget sa farm to market road projects na isiningit ng Kamara ng walang konsultasyon sa DBM.

Ipinunto ni Lacson na sa National Expenditure Program, lumalabas na ang NEP ay may pondong P7 bilyon lamang. Pero sa General Appropriation Bills (GAB) umabot ito sa P16 bilyon.

Inamin pa ni Lacson na mismong si DBM Sec. Benjamin Diokno ang nagsabi sa kanya na walang konsultasyon ang House sa kanila sa ginawang P9 billion increase para sa nasabing financial assistance.

Tinanong naman ni Sen. Loren Legarda si Diokno kung may katotohanan ang pahayag ni Lacson. Doon inamin ni Diokno na wala ngang naging konsultasyon ang House sa P9 billion increase.

Ang other financial assistance para sa mga LGU ay magagamit para sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan tulad ng pagbili ng mga fire truck at pagpapatayo ng mga palengke at iba pang proyekto.

Giit ni Lacson na may grave abuse of discretion kapag ang inamyendahang budget ng House ay walang konsultasyon sa DBM.

Samantala, nais naman ni dating solicitor ge­neral Pilo Hilbay na magkaroon ng partisipasyon ang publiko sa pagbuo, pagpaplano at pagpapatupad ng national budget para maging malinaw at matiyak na mapupunta ito sa mga pinaglaanang programa at proyekto.

Ipinunto ni Hilbay na ang kasalukuyang sistema ng pagba-budget ng pamahalaan ay puno ng butas, na mareresolba lang kung hahayaan ang taumbayan na lumahok sa pagbuo at pagpapatupad ng pambansang budget.

“Ang tunay na problema’y kawalan ng partisipasyon ng mamamayan kung paano nagagamit ang pera nila. Iyon ang leakage sa ating budget system,” giit ni Hilbay.

Naniniwala rin si Hilbay, na mabubura ang pork barrel kapag naisabatas ang isang budget reform bill.

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with