^

Bansa

Pagsuspinde sa excise tax sa langis, aprub ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pagsuspinde sa excise tax sa langis, aprub ni Digong
Inanunsiyo kahapon ni Budget Sec. Benjamin Diokno na nakatanggap na siya ng memorandum mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsasaad na aprubado na ng Pangulo ang suspension ng excise tax on oil mula Enero 2019.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pa­ngulong Duterte ang pagsuspinde ng excise tax sa oil sa ilalim ng TRAIN Law.

Inanunsiyo kahapon ni Budget Sec. Benjamin Diokno na nakatanggap na siya ng memorandum mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsasaad na aprubado na ng Pangulo ang suspension ng excise tax on oil mula Enero 2019.

Magugunita na inirekomenda ng economic managers kay Pangulong Duterte na suspendihin ang P2 excise tax sa la­ngis sa susunod na taon.

Ayon kay Diokno, iti­nuloy nila ang rekomendasyong ito kahit pa inaasahan nilang may ibababa pa sa presyo ng langis sa international market sa hinaharap o sa mga susunod na buwan.

Paliwanag pa ni Diok­no, magandang balita ito dahil makatutulong para maiwasang sumirit pa pataas ang presyo ng mga bilihin.

Hindi naman masabi ni Diokno kung hanggang kailan iiral ang suspension ng dagdag na P2 excise tax sa langis dahil depende ito sa lagay ng magiging presyuhan ng langis sa world market at pag-aaralan muli ng economic managers ang sitwasyon.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR MEDIALDEA

TRAIN LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with