^

Bansa

Pagbuwag sa NFA kailangan ng batas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbuwag sa NFA kailangan ng batas
Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Kiko Pangilinan sa gitna ng mga panukala na buwagin na ang NFA.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Kailangang may maipasang batas para mabuwag ang National Food Authority (NFA) at hindi ito maaaring gawin sa pamamagitan lamang ng Executive Order.

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Kiko Pangilinan sa gitna ng mga panukala na buwagin na ang NFA.

Kabilang si Pangilinan sa mga senador na naniniwalang dapat nang buwagin ang ahensiya dahil hindi naman nito nagagampanan ang trabaho.

“Kailangan ng batas (para buwagin).I-abolish na lang natin ’yan at kung ang gusto lang yong nag stockpile para meron tayong warehouse gawin na natin yon,” sabi ni Pangilinan.

Sinabi pa ni Pangilinan na ilang senador na rin ang naghain ng panukalang batas para buwagin ang NFA at kabilang siya sa mga susuporta rito.

Ipinunto rin ni Pangilinan na sa ngayon ay nababalot pa ng kontrobersiya ang NFA kung saan nag-aaway-away ang administrator at ang council.

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with