^

Bansa

Pagbabawal sa ‘driver-only’ sa EDSA binira

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbabawal sa �driver-only� sa EDSA binira
Sinabi ni Atienza, sa halip na alisan ng MMDA ng karapatan ang mga mamamayan na dumaan sa EDSA, ang dapat ga­win ng mga ito ay magtra­baho.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Kinondena ni Buhay Rep. Lito Atienza ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagbabawal sa pagdaan ng driver-only na mga sasakyan sa EDSA tuwing rush hour.

Sinabi ni Atienza, sa halip na alisan ng MMDA ng karapatan ang mga mamamayan na dumaan sa EDSA, ang dapat ga­win ng mga ito ay magtra­baho.

Mali anya ang MMDA na sisihin na naman ang publiko sa mga problema na hindi nila inaasikaso kaya hindi dapat matuloy ang planong nagbabawal sa isang pasahero lamang bawat sasakyan na dadaan sa EDSA sapagkat maituturing itong parusa sa taumbayan.

Paliwanag pa ni Atienza, binigyan na nga ang publiko ng number coding at ngayon naman ay planong alisan ng karapatan na makagamit ng sasak­yan sa EDSA.

Ang kawawa sa hakbang ng MMDA ay yung mga may-ari ng sasakyan na wala namang kakayahan na kumuha ng driver o kaya naman ay iisa lamang ang driver sa pamil­ya subalit may higit sa dalawang sasakyan.

Sa paabiso ng MMDA na dumaan na lamang sa mga side street, paliwanag ng mambabatas, hindi rin naman ito madaraanan dahil sa maraming sagabal na hindi naman inaaksyunan ng ahensya.

vuukle comment

LITO ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with