^

Bansa

Takeover ng palengke, terminal ng P. Princesa kinondena

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Takeover ng palengke, terminal ng P. Princesa kinondena
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel at tagapagsalita ng Areza Cruz Realty Deve­lopment Company, Inc., na kasalukuyang naka-posisyon dahil sa isang lease contract mula sa mismong pamahalaang lungsod, hindi anya napapanahon, iligal at mapang-api ang plano ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa na didisarmahan nito ang mga guwardiya ng kontratista at puwersahang papaalisin ang mga opisyal at em­pleyado nito pagkatapos na ang Court of Appeals (CA) ay gumawa ng desisyon nito na pabor sa lungsod.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Wala umanong karapatan ang pamahalaan ng Puerto Princesa City na i-take over ang lumang palengke at ang terminal na matatagpuan sa sentro ng lungsod.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel at tagapagsalita ng Areza Cruz Realty Deve­lopment Company, Inc., na kasalukuyang naka-posisyon dahil sa isang lease contract mula sa mismong pamahalaang lungsod, hindi anya napapanahon, iligal at mapang-api ang plano ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa na didisarmahan nito ang mga guwardiya ng kontratista at puwersahang papaalisin ang mga opisyal at em­pleyado nito pagkatapos na ang Court of Appeals (CA) ay gumawa ng desisyon nito na pabor sa lungsod.  

Sinabi pa ni Topacio, na ang isyu sa kaso laban sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, na una nang natalo sa korte ay  tungkol lamang sa bisa ng kontrata at hindi tungkol sa kung sino ang may karapatan na mamusisyon sa palengke at terminal, na napapailalim sa ibang proseso. 

Sa ilalim ng batas, ang isang tao ay hindi maaaring magpaalis ng iba sa anumang ari-arian sa pamamagitan ng dahas nang wa­lang legal na utos ng korte. Maaaring kasuhan ng kriminal, sibil at administra­tibo ang sinumang gagawa nito.   

vuukle comment

FERDINAND TOPACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with