^

Bansa

Labi ni Demafelis naiuwi na sa Iloilo

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Labi ni Demafelis naiuwi na sa Iloilo

Alas-5:50 kahapon ng madaling araw nang lumapag ang Philippine Airlines (PAL) Flight 2139 sa Iloilo International Airport lulan ang labi ni Joanna.  File

MANILA, Philippines — Naiuwi na kahapon sa kanyang pamilya sa Sara, Iloilo ang labi ng Pinay domestic helper na si Joanna Demafelis na pinatay ng kanyang amo at inilagay sa loob ng freezer sa Kuwait.

Alas-5:50 kahapon ng madaling araw nang lumapag ang Philippine Airlines (PAL) Flight 2139 sa Iloilo International Airport lulan ang labi ni Joanna.

Inihatid ito ng kaniyang mga kapatid at ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac at Deputy Administrator Arnell Ignacio at ilang opisyal mula sa Department of Foreign Affairs.

Nakasuot ang mga ito ng puting T-shirt na may nakasulat na “Justice for Joanna Demafelis”.

Higit 200 mga kababayan naman ni Joanna ang sumama sa paliparan sa pagsalubong sa mga labi nito, na may bitbit pang mga tarpaulins na may nakasulat na “Justice for Joanna.”

Kabilang din sa mga nag-abang sa paliparan ang mga lokal na opisyal sa pangunguna nina Iloilo Fifth District Rep. Raul Tupas, Sara Mayor Carmelita Salcedo at OWWA Region 6 director Wilfreda Misterio.

Paglabas ng kabaong ni Joanna sa cargo area, kaagad itong tinakbo ng bunso sa magkakapatid na Dimafelis na si Joyce, at niyakap habang humahagulgol.

Hindi rin maampat ang pag-iyak ng mag-asawang Eva at Crisanto Dimafelis at sumama ang pakiramdam ng ginang matapos mayakap ang kabaong ng anak.

Inihayag naman ng kapatid ni Joanna na si Joey Dimafelis na hindi nito matanggap ang karumal-dumal na ginawa sa Pinay worker.

Ayon kay Joey, parang itinuring na isda ang kaniyang kapatid na isinilid sa freezer at kung ano ang sinapit ng nakakabatang kapatid ay siya ring nais nitong iparanas sa mga amo nito.

vuukle comment

JOANNA DEMAFELIS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION (OWWA)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with