^

Bansa

Poe sa UST hazing: Pakiramdam ko merong pagtatakip

Pilipino Star Ngayon
Poe sa UST hazing: Pakiramdam ko merong pagtatakip

Horacio and Carmina Castillo (center), parents of slain UST law student Horacio III attend a Senate hearing on the fatal hazing case yesterday. At left, suspect John Paul Solano is escorted by police to the probe. Right photo shows Nilo Divina, dean of the UST Faculty of Civil Law, fielding senators’ questions. GEREMY PINTOLO

MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Grace Poe na mayroong pinagtatakpan sa kaso ng pagkasawi ng University of Santo Tomas law student sa hazing rites.

Sa tingin ni Poe matapos anag pagdinig ng senado kagabi, tila pinagtatakpan ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity ang tunay na nangyari sa pagkasawi ni Horacio Castillo III.

"Parang pakiramdam ko meron talagang pagtatakip kasi unang-una hindi diretso ang mga sagot nila," pahayag ng senadora.

BASAHIN: Bam sa Aegis Juris: Huwag hayaang makatakas ang mga suspek

Aniya imposible na wala nang koneksyon ang senior members ng fraternity sa kanilang samahan.

Sinabi ni Poe na mayroon ding nagpoprotekta sa mga nagtatago ngayong miyembro ng fraternity na kasama sa initiation rites noong Setyembre 17.

Miyembro ng Aegis Juris si UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na una nang sinabi na naka-leave of absence siya sa grupo mula nang umupo bilang dekano.

"Kapag ang mga nakakatandang miyembro ay hindi pinapayagan ang hazing ay hindi naman ‘yan, ganyang mangyayari," sabi ni Poe.

BASAHIN: Solano itinuro ang Aegis Juris brods sa pagkamatay ni Atio

"Kung hindi iyan sanctioned ng mga elders nila diyan sa frat sa tingin ko hindi naman matutuloy yang hazing," dagdag niya.

Nalaman din sa pagdinig na nauna pang malaman ni Divina ang sinapit ni Castillo bago nasabihan ang mga magulang ng biktima.

Naniniwala rin si Poe na tanging si John Paul Solano ang susi sa imbestigasyon ngunit nangangamba siya na baka manaig ang impluwensya ng kaniyang mga kasahaman sa fraternity.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with