^

Bansa

Digong ginigiba

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagpalabas kaha­pon ang Malacañang ng akusasyon na ilang pulitiko at indibidwal ang ‘nagbayad’ sa US-based publication na New York Times para sa demolition job laban kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na lumilitaw na ang 165-year old na publication ay ginagamit para sa isang ‘well-fun­ded campaign’ upang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Duterte.

“Tinatangka ng pahayagang ito na mag-udyok ng pandaigdigang galit sa isang bansa na tumatanggap ng bago nitong kapayapaan at kaayusan. Masasabing ilang personalidad at pulitiko ang nagsagawa ng well-funded campaign gamit ang mga hack writer at kanilang mga alipures para mapatalsik nila si Duterte,” wika pa ni Abella.

Aniya, noong nakaraang linggo ay tatlong artikulo ang lumabas sa NYT na ang layunin ay siraan ang imahe ni Pangulonng Duterte.

Wika pa ni Abella, ang una ay isang feature article hinggil sa pag-upo ni Duterte bilang pangulo, kasunod ang editorial kung saan ay hinihiling sa international community na papanagutin si Duterte sa namamatay sa drug war nito at ang video documentary na naglalarawan sa vigilante killings sa Pilipinas.

Wika pa ng presidential spokesman, hindi magpapatinag si Pangulong Duterte sa mga kritiko nito upang tuparin ang kanyang pangako sa taumbayan na wakasan ang illegal drugs, kriminalidad at corruption sa bansa sa ilalim ng kanyang admi­nistrasyon.

Samantala, iginiit ni Abella na hindi lamang mahihirap ang target ng war on drugs ng Duterte administration tulad ng nais palitawin ng international watchdog.

“Ang giyera sa droga ay hindi tuma-target sa anumang sektor ng lipunan,” diin ni Abella. “Ang pinaka-popular na illegal drugs sa Pilipinas ay shabu o metamphe­tamine hydrochloride na tinatawag na poor man’s cocaine.

Ang supply ng shabu ay nagmumula sa labas ng Pilipinas at ang great demand nito upang ibenta sa kalsada ay mula sa mahihirap na pamilya. Gayunman, hindi katwiran ang kahirapan para gumamit at magbenta ng shabu. Tulad ng sabi ng Pangulo, kailangan niyang linisin ang mga kalsada mula sa mga drug user, pusher at dealer, anuman ang katayuan nila sa buhay.”

Umalma si Human Rights Watch Deputy Asia Director Phelim Kine sa naging pahayag ni Pangulong Duterte kamakalawa sa Bukidnon na karamihan daw sa apektado ng anti-drug war ng kanyang gobyerno ay mahihirap dahil sila ang nagbebenta nito.

“President Duterte has finally acknowledged what police ‘kill list’ statistics have long made obvious: That his murderous ‘war on drugs’ is in fact a war on the poor given that the vast majority of its more than 7,000 victims were urban slum dwellers,” wika pa ni Kine sa Twitter account.

Pero ipinagtanggol ni Abella si Pangulong Duterte at inakusahan ang HRW na malayo sa katotohanan ang akusasyon nito sa pa­ngulo.

Aniya, patunay dito ang pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan ay 8 mula sa 10 Filipino sa Metro Manila ang nagsasabing mas ligtas sila ngayon sa ilalim ng administrasyon ng ilunsad ang drug war.

 

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with