^

Bansa

ConAss gagamitin sa Chacha

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Constitutional Amendments ang resolusyon para sa Constitutional Assembly (ConAss) bilang paraan na gagamitin sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sa ginanap na botohan ng mga miyembro ng House Committtee on Constitutional Amendment, 32 ang pumabor sa paggamit ng ConAss habang 7 ang tutol at 3 naman ang nag-abstain subalit dalawang beses pang ginawa ang botohan bago ito na­ging pinal.

Aprubado na rin na pag-isahin na lamang ang 29 Cha-Cha bills at resolution na inihain sa komite sa pamamagitan ng isang substitute resolution. 

Sa pagsisimula pa lang ng pagdinig ay isinusulong na ang botohan para sa paraan na gagamitin sa mosyon ni Cebu Rep. Gwen Garcia subalit iginiiit ni Buhay Rep. Lito Atienza na ipagpaliban muna ang botohan upang hindi naman sila maakusahan ng pag-railroad sa Chacha subalit mas nanaig ang pagpapatuloy sa botohan.

Noong una ay sa pa­mamagitan ng viva voche o voice voting subalit may mga tumutol kaya inulit ang botohan at pinatayo ang mga miyembro na pabor at hindi sa ConAss.

Bubuo naman ng Tech­nical Working Group (TWG) ang komite para isapinal ang inaprubahan nilang bersyon ng concurrent resolution na nagpapa-convene ng Kongreso bilang ConAss.

Kasabay din nito ay paplantsahin ang mga amyen­dang ilalapat sa 1987 Constitution.

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE ON CONSTITUTIONAL AMENDMENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with