^

Bansa

15 Pinoy nabigyan ng pardon ng Emir sa Qatar

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masayang ibinalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makakalaya na ang 15 Pinoy na na-convict at nakakulong sa Qatar dahil sa iba’t ibang kaso na kanilang kinasasangkutan matapos silang gawaran ng royal clemency dahil sa Ramadan.

Base sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Doha sa DFA, ang royal clemency ay iginawad ni Qatari Emir Sheikl Tanim bin Hamad Al Thani sa 15 Pinoy, bilang pag-obserba sa “Holy Month of Ramadan”.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Asec. Charles Jose, ang mga Pinoy na nakakuha ng pardon ay may lighter offense o petty crime tulad ng theft.

Tumanggi si Jose na pangalanan ang 15 Pinoy habang ipinaalam pa sa kanilang pamilya sa Pilipinas ang kanilang inaasahang paglaya.

Sinabi ni Jose na pinakamahaba nang sentensya ng ilan sa mga makakalayang Pinoy ay nahatulan ng walong taong pagkabilanggo at ang ilan ay halos naisilbi na ang kanilang sentensya.

Nabatid na karaniwang nag-iisyu ang Emir ng pardon dalawang beses kada taon, sa kasagsagan ng Ramadan at sa Qataru National Day sa tuwing Disyembre.

Sinabi ng DFA na ang pag-grant ng pardon sa tuwing Ramadan ay  praktis na sa buong Gulpo at karaniwang ginagawa sa tuwing idinaraos ang Eid’l Fitr, ang selebrasyon ng pagtatapos ng banal o sagradong buwan ng Ramadan.

Nakikipag-ugnayan na ang Embahada sa Search and Follow-up Department ng Qatar Ministry of Interior para sa repatriation ng mapapalad na 15 Pinoy na nabigyan ng pardon.

vuukle comment

ADMU

ALDIN AYO

ARCHERS

ATENEO

BLUE EAGLES

DLSU

FILOIL

LA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with