^

Bansa

President, VP ipoproklama sa 2-linggong canvassing

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
President, VP ipoproklama sa 2-linggong canvassing
Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales II, maaaring tumagal lamang ng hanggang Hunyo 7 ang bilangan ng balota at maipoproklama na nila kung sino ang mananalong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa dahil magtatapos na ang 16th Congress sa Hunyo 8.
STAR/File photo

MANILA, Philippines – Inaasahang maipoproklama na ang mga nanalong presidente at bise presidente sa loob ng dalawang linggong canvassing sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales II, maaaring tumagal lamang ng hanggang Hunyo 7 ang bilangan ng balota at maipoproklama na nila kung sino ang mananalong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa dahil magtatapos  na ang 16th Congress sa Hunyo 8.

Paliwanag ni Gonzales,  sakali namang matagalan  at hindi matapos ang bilangan sa takdang araw dahil sa posibleng ma-kuwestyon o mag-mosyon ang mga abogado ng mga kandidato ay itutuloy pa rin nila ang adjournment.

Pagkatapos ay saka pa lamang muling magre-resume ang joint public session at agad na ipo- proklama kung sino ang nanalong pangulo at pa­ngalawang pangulo.

Inihalimbawa ni Gonzales ang nangyari noong Mayo 2010 elections kung saan inabot lamang ng 10 araw ang bilangan kung kaya agad naiproklama ang mga nanalo.

Kahapon sinimulan na ang canvassing ng mga boto para sa pangulo at bise presidente sa Kamara na nagsilbing National Board of Canvassers (NBOC). Unang binuksan ang ballot box mula sa Davao del Sur subalit kaagad naman nag-mos­yon ang kampo ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pamamagitan ni dating Maguindanao Rep. Digs Dilanggalen na ihiwalay ang canvas­sing ng presidente at vise president.

Gayunman, agad itong sinopla ni Gonzales at sinabi kay Dilanggalen na wala itong karapatan mag-manifest dahil hindi siya miyembro ng NBOC  at kung hindi isiya uupo ay tatawag  siya ng security para maupuan ang dating kongresista.

vuukle comment

NORWEGIAN

ROY PAULSEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with