^

Bansa

CA 6th Division hahawak sa hirit na TRO ni Mayor Binay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Sixth Division ng Court of Appeals ang hahawak sa petisyong isinampa ni Makati Mayor Junjun Binay upang pigilan na ipatupad ang anim na buwang suspensiyon na inilabas ng Ombudsman.

Magsisilbing ponente ng desisyon si CA Associate Justice Jose Reyes kung saan makakasama nito sina Associate Justices Francisco Acosta at Eduardo Peralta.

Matapos ang pag-raffle sa petition, inaasahan namang mailalaban na ang desisyon kung maglalabas ng Temporary Restraining Order sa suspensiyon ni Binay at iba pa.

Si Binay kasama ang 15 pa ay kinasuhan ng corruption kaugnay ng umano’y overpriced Makati City Hall Building II.

Ayon kay Binay ilegal ang suspension order kaya’t hindi umano niya tinatanggap ito. Aniya, hindi pa siya ang alkalde nang gawin ang unang dalawang bahagi ng controversial project na sinimulan noong 2007. Naging alkalde siya noong 2010 at muling nahalal noong 2013.

Paliwanag ni Binay bagama’t nakapirma siya sa mga dokumento sa ikatlo, ikaapat at ikalimang bahagi ng proyekto hindi umano nangangahulugan na naki­pagsabwatan siya rito.

Ang kasong plunder at graft ay inihain noong Hulyo 2014 ni Atty. Renato Bondal,  kung saan sinabi nito na ang construction  ng  Building II ay overpriced ng P862 million.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE JOSE REYES

ASSOCIATE JUSTICES FRANCISCO ACOSTA

BINAY

COURT OF APPEALS

EDUARDO PERALTA

MAKATI CITY HALL BUILDING

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

RENATO BONDAL

SI BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with