^

Bansa

House hearing sa Mamasapano parang palengke

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagmistulang palengke at karnabal ang ginawang pagdinig sa Kamara kaugnay sa Mamasapano masaker kung saan napatay ang 44 mi­yembro ng PNP-SAF.

Pasado alas-9 ng umaga ng simulan ang joint hearing ng House Committee on Public Order and Safety sa pamumuno ni Negros Occidental Rep. Jeffrey Ferrer at House Committee on Peace, Reconciliation and Unity ni Basilan Rep. Jim Hataman Salliman.

Nagsimula ang pagtatalo ng mga kongresista ng mag-mosyon si Cebu Rep. Gwen Garcia na mag­sagawa muli ng pagdinig ang komite tungkol sa nasabing insidente sa susunod na linggo dahil imposible umanong malaman ang katotohanan sa pagkasawi ng Fallen 44 sa loob lamang ng isang araw na pagdinig.

Agad itong tinutulan ni Caloocan City Rep. Egay Erice, dahil marami pa umanong trabaho ang kanilang mga resource person at baka mahostage lang mga ito dahil sa gagawing pagdinig.

Dahil dito kaya nagkanya-kanya at sabay-sabay nagsasalita ang mga kongresista na nagdudulot ng kalituhan sa chairman ng mga komite kung sino ang pagsasalitain.

Sumingit naman si Zamboanga Rep. Celso Lobregat at nangatwiran na hindi dapat limitahan ang Kamara sa pagdinig.

Napansin din na sa tuwing mayroong hindi napapagkasunduan ang mga kongresista ay sabay-sabay na nagsasa­lita ang mga kongresista bukod pa rito ang mga side comments mula sa ilang kongresista habang mayroong nagsasalita sa mikropono.

Sa bandang huli nagdesisyon ang chairman ng komite na muling magsagawa ng pagdinig sa Martes at Miyerkules sa susunod na linggo. (Gemma Garcia)

 

vuukle comment

BASILAN REP

CALOOCAN CITY REP

CEBU REP

CELSO LOBREGAT

EGAY ERICE

GEMMA GARCIA

GWEN GARCIA

HOUSE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with