^

Bansa

‘Bahay sa N. Ecija hindi mansion’ – Purisima

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Malinis po ang aking konsensya. Napakalinis po, malinis na malinis.”

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director Ge­neral Alan Purisima sa pagharap nito sa media kahapon.

Ayon kay Purisima, isang ordinaryong bahay lamang ang kanyang tahanan sa San Leo­nardo, Nueva Ecija at hindi mansiyon.

Aniya, aerial shot ang nakunan sa kaniyang bahay kaya mukhang ‘luxury mansion’ ito at ang masama ay hindi naman nakita ang totoong nasa ibaba.

Nagkakahalaga anya ito ng P3.7 M pero sa pagtaya ng mga kritiko ng PNP Chief ay aabot ito ng halos P50 M.

Itinanggi rin niya ang ulat na Olympic size ang swimming pool nito dahil 7.5 m x 15m lamang ang sukat nito.

Nakahanda naman si Purisima na ipakita ang kaniyang bahay at inimbitahan pa ang media na bisitahin ang kanyang ordinaryong bahay para ang mga ito na mismo ang humusga.

 

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ANIYA

AYON

CHIEF DIRECTOR GE

ITINANGGI

NUEVA ECIJA

PURISIMA

SAN LEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with