BBL budget binira
MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ng isang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino sa Kamara si Budget Secretary Florencio Abad kung bakit naglaan agad ng pondo para sa implementasyon ng Bangsamoro Basic Law. Tinanong ni Cebu Rep. Luigi Quisumbing sa ginanap na budget hearing bakit naglaan agad ng P2.7 bilyon sa ilalim ng 2015 national budget samantalang wala pa ang batas para sa Bangsamoro at hindi pa naisusumite ang BBL sa Kongreso. Ipinaliwanag naman ni Abad na inaasahan na ng administrasyon ang pagpapatibay ng BBL sa loob ng kasalukuyang taon. Ito ay dahil mismong si Pangulong Aquino umano ang umapela sa Kongreso na hanggang maaari ay tapusin ang pagpapatibay sa BBL ngayong 2014 sa unang bahagi ng 2015.
- Latest