PANOORIN: Article II na lang ang itutuloy; mga nangyari sa impeach trial ni VP Sara nitong linggo
MANILA, Philippines — Pormal nang binawi ng prosecution ang tatlong articles ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, kaya unexplained wealth na lamang ang itutuloy sa paglilitis.
Noong Oktubre 13, iniurong ng prosecution ang Articles I, III at IV na tumatalakay sa confidential funds, bribery at grave threats.
Ayon sa prosecution, sapat ang ebidensiya nito sa Article II at layon nitong mapabilis ang proseso. Pero kinuwestiyon ng depensa ang pag-atras sa tatlong articles.
Hindi nangangahulugan ang pag-urong na napawalang-sala si Duterte sa mga alegasyong ito, ngunit hindi na siya pagbobotohan sa impeachment court.
Samantala, tinaya ni financial analyst Alexander Cabrera na maaaring umabot sa P1.5 bilyon ang umano’y unexplained wealth nina Duterte at ng asawang si Manases Carpio mula 2022 hanggang 2025.
- Latest
























