^

Bansa

Anti-pol. dynasty bill sasalang na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasalang na sa plenaryo sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ngayong araw ang kontrobersyal na Anti-Political Dynasty bill.

Ayon kay Capiz Cong. Fredinil Castro, chairman ng committee on Suffrage and Electoral Reform, nagkausap na sila ni House Majority Leader Neptali Gonzales at sinabihan na ito na maghanda para sa kanyang sponsorship speech kasama ang kanyang mga kasamahan sa komite kaugnay sa naturang panukalang batas na nakabinbin pa sa committe on rules.

Ito ay upang maumpisahan na ang deliberasyon sa panukalang Anti-Political Dynasty Law bago matapos ang taon at matapos na rin ang deliberasyon nito.

Nilinaw naman ni Castro na sa consolidated version ng panukala ay sakop nito ang hanggang second civil degree by consagunity or affinity na ang ibig sabihin ay father and son, mother and children, lolo at tatay at kapatid to kapatid.

Paliwanag pa ng kongresista na kaya second degree direct at second degree collateral dahil ang collateral ay sa magkakapatid, ang directs ay parents at children.

Subalit sa pag-aaral umano ng komite ay mas­yadong malawak ang tatamaan at maaapektuhan nito sakaling maisabatas dahil mayroon umano sa isang pamilya na hindi binanggit ng mambabatas ang pa­ngalan na walo silang nasa panunungkulan ng gobyerno kaya nangangahulugan umano ito na monopolistic ang ginagawa ng mga ito dahil humahawak sila ng posisyon sa pamahalaan.

May hinala naman si Castro na mahigit sa 40 porsiyento ng mga pulitiko na nasa local at national politics ang tatamaan ng panukalang batas.

 

vuukle comment

ANTI-POLITICAL DYNASTY

ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW

AYON

CAPIZ CONG

FREDINIL CASTRO

HOUSE MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

ISASALANG

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with