^

Bansa

Cardinal Quevedo magbibitiw na sa puwesto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang maghain ng kanyang resignation kay Pope Francis ang bagong talagang si Cardinal Orlando Quevedo bilang Arsobispo ng Cotabato.

Ayon sa Cardinal walang ibang dahilan kundi ang pagsapit niya sa mandatory age ng pagreretiro sa Marso 11, ang kanyang ika-75 kaarawan.

Aniya, nakasaad sa Code of Canon Law na ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ay kailangang maghain ng resignation pagsapit ng ika-75 taon. Aminado si Quevedo na ngayon ay kailangan na niyang higit na maging maingat sa pagsasalita.

Hindi lamang aniya siya magiging tagapayo sa Santo Papa kundi aakto rin siyang Kardinal ng Min­danao at “unofficial spokesperson” para sa mga Obispo ng Mindanao.

Kaugnay nito, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na kumpiyansa siya na hindi tatanggapin ng Santo Papa ang pagbibitiw ni Arcbishop Quevedo dahil katatapos lang niyang maluklok bilang Cardinal.

Sinabi ni Cruz na ang isang Kardinal ay maaaring magretiro sa edad na 80.

Napag-alaman na sumapit noon sa edad na 75 sina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales at Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal na parehong nagsumite ng resignation subalit sila ay pinayuhan ni Pope Benedict XVI na magpatuloy sa kanilang tungkulin.

Ang dalawa ay pinayagan na lamang umanong makapagpahinga pagsapit sa edad na 79.

 

vuukle comment

ARCBISHOP QUEVEDO

CARDINAL ORLANDO QUEVEDO

CEBU ARCHBISHOP RICARDO CARDINAL VIDAL

CODE OF CANON LAW

KARDINAL

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CARDINAL ROSALES

POPE BENEDICT

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with