^

Bansa

Pasahero nasawi matapos tumilapon sa jeep

Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines -Isang pasahero ang nasawi matapos itong tumilapon palabas sa sinasakyan nitong  jeep  sa Navotas City,  kahapon ng madaling araw.

 Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng pinsala sa katawan ang biktima na  nakilala lang sa pangalang Rogel.

Lumalabas sa sketchy report ng Navotas City Traffic, naganap ang insidente  alas-2:35 ng madaling araw, nabatid na sakay ang biktima ng isang jeep  na pinapasada ni Dio­medel Rebaldo, 54.

Pagsapit sa M. Naval St., Brgy. North Bay Bou­levard South ng naturang lungsod  ay nabundol ang sinasakyan nitong jeep ng kasunod ring jeep  na minamaneho naman  ni Jeremel Fancubilla, 19.

 Dahil sa lakas nang pagkakasalpok, kung kaya’t tumilapon  sa labas ang biktima hanggang sa ma-sandwich ito ng naturang mga jeep. Mabilis na dinala ang biktima sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

Dinala naman nang rumespondeng mga pulis sa presinto ang dalawang driver upang maimbestigahan.

                                               

vuukle comment

BRGY

DAHIL

JEREMEL FANCUBILLA

NAVAL ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY TRAFFIC

NORTH BAY BOU

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with