Super Typhoon Rosal bahagyang humina
MANILA, Philippines — Bahagyang humina ang Super Typhoon Rosal habang patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran sa may karagatan ng silangan ng Northern Luzon.
Alas-5 ng hapon kahapon, si ST Rosal ay namataan ng Pagasa sa layong 725 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 205 kph at pagbugso na aabot sa 250 kph.
Nakataas ang signal no. 2 sa Batanes habang signal no. 1 sa Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, eastern portion ng Isabela, Ilocos Norte, Apayao, northeastern portion ng Catanduanes.
Patuloy ang pagkilos ni Rosal sa kanluran hilagang kanluran at hilagang kanluran ngayong Huwebes.
Magsisimula itong lumiko sa hilaga hilagang kanluran sa Biyernes bago bumalik sa hilaga hilagang kanluran sa Sabado, Okt 24 hanggang sa lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
- Latest

















