^

Bansa

5 katao tinamaan ng ligaw na bala

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Lima katao na ang na­italang biktima ng ligaw na bala mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaugnay sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Kinilala ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Wilben Mayor ang mga nabikti­ma na sina Francisco Salazar, 19, estudyante ng Sampaloc, Maynila na tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang paa noong Disyembre 19.

Si Ginalyn Soncio, 32, isang misis na taga Polomolok, South Cotabato na nasapul sa kaliwang braso noong Disyembre 20; Donna Padol, 31, dalaga ng Iloilo City na minalas namang tamaan noong Disyembre 24 sa kaniyang ilong.

Si Deo Tam-og, 22, mi­nero na nagtamo ng tama ng ligaw na bala mula sa cal. 45 pistol sa kaniyang hita noong Disyembre 25 sa Itogon, Benguet habang si Rommel Geroy, 40, ng Naga City ay tinamaan sa kaliwang hita noong Dis­yembre 25.

Ang nasabing bilang, ayon kay Mayor ay inaasahang tataas pa habang hinihintay pa ng punong himpilan ng PNP Operations Center ang mga ulat mula sa mga Regional Offices.

Samantala nasa 39 ka­tao na rin ang biktima ng illegal na paputok kung saan 28 ang nasugatan sa illegal na paputok, apat na sugatan sa illegal discharge ng baril at dalawa naman sa sunog sanhi ng paputok.

Umaabot na sa 1,340 ang nasamsam na mga ipinagbabawal na paputok na aabot sa P.73 M ang halaga.

Patuloy naman ang paalala ng PNP sa mamamayan na umiwas sa paggamit ng illegal na paputok tulad ng lolo thunder, atomic, big triangulo, big judas belt, big bawang, kwiton, kabasi, mother rockets gayundin sa piccolo, watusi at iba pa.

vuukle comment

DISYEMBRE

DONNA PADOL

FRANCISCO SALAZAR

ILOILO CITY

NAGA CITY

OPERATIONS CENTER

REGIONAL OFFICES

ROMMEL GEROY

SI DEO TAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with