^

Bansa

VACC pumalag

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumugod kahapon ang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Makati City Jail at nagsagawa ng prayer rally  upang mariing  iprotesta ang umano’y special treatment ng pamahalaan kay Janet Lim Napoles na nasangkot sa P10 billion Priority Development Assistant Fund scandal.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang magtungo ang mga kasapi ng  VACC na may mga bitbit na naglalakihang placard na kung saan may nakasaad na “Mga pulitiko, makunsensiya kayo. Lahat ng sangkot dito ay kailangan ikulong at ibasura ang pork barrel”.

Pinangunahan kahapon ni VACC Chairman Dante Jimenez at Boy Evangelista ang  kilos protesta  sa labas ng Makati City Jail upang harangin ang paglabas at pagpapalipat kay Napoles sa Fort Santo  Domingo sa Santa  Rosa Laguna.

Mariing kinuwestiyon ng VACC ang Malacañang  dahil sa special treatment na ibinibigay kay Napoles samantalang sangkot ito sa  maanumalyang PDAF scam.

 â€œSana huwag naman gawin ito ng pamahalaan natin dapat ito ay sa Makati City Jail na lamang ikulong dahil sa nasabing lungsod ito isinampa ang kaso laban kay Napoles,” ani pa ni Jimenez.

Sinabi pa ng VACC na babantayan nila ang paglilipat kay Napoles at susundan nila hanggang sa Santa  Rosa, Laguna na kung saan ito ikukulong.

 

vuukle comment

BOY EVANGELISTA

CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

FORT SANTO

JANET LIM NAPOLES

MAKATI CITY JAIL

NAPOLES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANT FUND

ROSA LAGUNA

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with