^

Bansa

Sindikato nagso-solicit para sa calamity victims

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa publiko laban sa mga taong gumagala at gumagamit ng kaniyang pangalan para mag-solicit ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Maring.

Ayon kay Gazmin, may impormasyong nakara­ting sa kaniyang tanggapan na bukod sa panghihingi ng tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyo ay nagso-solicit rin umano ang pekeng grupo ng pera para sa fund raising umano ng ahensya.

Modus operandi umano ng mga suspek na tawagan ang ilang mga kilalang personalidad lalo na ang mga negosyante at magpapakilalang mula sila sa tanggapan ng Kalihim.

Sinasabi umano ng mga ito na inutusan sila ni  Secretary Gazmin o kaya naman ay ng iba pang opisyal ng Department of National Defense at ihahayag na ang kanilang pakay.

Sakaling makatanggap ng ganitong tawag o impormasyon agad aniyang makipag-ugnayan sa Office of the Secretary ng DND sa 911-1746 upang mahinto na ang naturang illegal na aktibidades.

 

vuukle comment

AYON

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

GAZMIN

KALIHIM

NAGBABALA

OFFICE OF THE SECRETARY

SAKALING

SECRETARY GAZMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with