^

Bansa

Barko ng China sa Scarborough pinalayas ni Gorio

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinaboy ng bagyong Gorio ang mga barko ng China na umaaligid sa Scarborough Shoal (Pa­natag Shoal) sa Masinloc, Zambales.

Kinumpirma kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na nagsialis na ang mga barko ng China sa Scarborough.

“As far as the last air patrol that we conducted wala na dun yung barko sa Panatag Shoal I guess this is really what they do (China) during inclement weather,” ani Gazmin kaugnay ng pananalasa ng bagyong Gorio.

Base sa monitoring noong Hunyo 27 at 28 at nitong unang linggo ng Hulyo ay wala na ang naturang mga barko ng China na nagsasagawa ng intrusyon sa lugar.

Ang Scarborough Shoal, kilala rin bilang Bajo de Masinloc ay nasa 124 nautical miles ang layo sa Masinloc, Zambales na saklaw ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Kabilang sa mga barko ng China na pumalibot sa lugar ang maritime at surveillance ships, at fisheries law enforcement ships na umaayuda sa mga mangingisdang Chinese kung saan ay itinataboy naman ang mga mangingisdang Pinoy na nagagawi sa lugar.

Simula ng maganap ang standoff sa pagitan ng China at Philippine Navy sa Scarborough Shoal noong Abril 2012 ay binakuran na ng una ang lugar.

 

vuukle comment

ABRIL

ANG SCARBOROUGH SHOAL

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

GORIO

MASINLOC

PANATAG SHOAL I

PHILIPPINE NAVY

SCARBOROUGH SHOAL

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with