^

Bansa

17 mayoral bets ng LP suportado si Espino

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labimpitong mayoral candidate ng Liberal Party sa Pangasinan ang nagpahayag ng suporta kay re-electionist Gov. Amado Espino ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) sa Pangasinan.

Ang pagsuporta na ito ng mayoral candidate ng LP sa Pangasinan kay Gov. Espino ay lalong nagpahina sa kandidatura ni Alaminos Mayor Hernani Braganza na pambato ng LP sa gubernatorial race sa Pangasinan.

Ang nasabing grupo ng mga mayoryal candidate ng LP ay kasama sa LP breakaway faction ni Board Member Ranjit Shahani.

Ayon kay BM Shahani, hindi sila kumakalas sa LP pero nakita nila ang nagawa at performance ni Gov. Espino kaya mas pinili nilang suportahan ito kaysa kay Braganza.

Nilinaw din ni Shahani na suportado pa rin nila ang Team PNoy senatorial bets at Matuwid na Daan policy ni Pangulong Aquino.

“We want it to be known that we do not adhere to the dirty tactics, especially character- assassination, employed by the governor’s rival,” paliwanag pa ni Shahani na pamangkin ni dating Pangulong Fidel Ramos at anak ni dating Sen. Leticia Ramos-Shahani.

Dahil dito, 12 na lamang ang mayoral bets ng LP na naiwan sa LP-Braganza wing habang nasa 43 na kandidatong alkalde ang sumusuporta kay Gov. Espino.

 

vuukle comment

ALAMINOS MAYOR HERNANI BRAGANZA

AMADO ESPINO

BOARD MEMBER RANJIT SHAHANI

BRAGANZA

LETICIA RAMOS-SHAHANI

LIBERAL PARTY

NATIONALIST PEOPLES COALITION

PANGASINAN

PANGULONG AQUINO

SHAHANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with