Passport processing sa SM Manila, bukas na
- Ellen Fernando (The Philippine Star) - October 11, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pormal nang binuksan kahapon ang bagong consular satellite office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa National Capital Region-West na matatagpuan sa SM City Manila, katabi ng Manila City Hall.

Pinangunahan nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, SM retail President Teresita Sy-Coson at SM supermall President Annie Garcia ang inagurasyon o programa na sinundan ng ribbon cutting cere­monies dakong alas-3 ng hapon.

Dinaluhan din ng mga opisyales at kinatawan ng DFA at SM management ang pagpapasinaya ng bagong DFA-NCR West consular office .

Ayon kay Del Rosario, kabilang ang DFA-NCR West sa may 37 consular satellite offices na itinayo o bubuksan ng DFA ng hanggang Disyembre 2012 sa iba’t ibang panig ng bansa na naglala­yong ilapit sa publiko ang kanilang serbisyo.

Noong Setyembre 19, 2012, pormal na pinasinayaan din ang consular office ng DFA-NCR Central sa Robinsons Galleria habang noong Setyembre 3 ay binuksan ang DFA-NCR East sa SM Megamall sa Edsa, Quezon City at sa SM Davao.

Bukas na rin sa publiko ang mga bagong consular offices sa Pacific Mall sa Cebu, Robin­sons Starmills sa San Fernando, Pampanga, at MarQuee Mall sa Angeles City habang nakatakdang magbukas ang DFA consular offices sa Robinsons Lipa, Robinsons Bacolod, Robinsons Dumaguete, Robinsons General Santos, SM Baguio, Pacific Mall Legazpi at Metro Gaisano Alabang.

ANGELES CITY CITY MANILA DEL ROSARIO DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS DFA FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT MANILA CITY HALL METRO GAISANO ALABANG NATIONAL CAPITAL REGION-WEST NOONG SETYEMBRE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with