^

Bansa

State of calamity sa Caloocan aprub sa Sanggunian

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tuluyan nang ibina­ba ang State of Cala­mity sa Caloocan City matapos lagdaan ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ang isang resolusyon na nag-aatas kay Mayor Enrico “Recom” Echiverri na gamitin ang cala­mity fund upang muling isaayos ang mga sinira ng malakas na ulan dulot ng hanging habagat.

Base sa resolution no. 1993 s. 2012 na nilagdaan ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, inaatasan nito si Echiverri na gamitin ang calamity fund para sa reliefs, rehabilitation, reconstruction, medical services at iba pa upang ayusin ang mga sinira ng matinding pag-ulan na naranasan sa buong lungsod nitong mga nakaraang araw.

Noong Huwebes (August 9, 2012) nang magpatawag ng special session ang Sangguniang Panglungsod upang maaprubahan ang naturang resolusyon na siyang makatutulong sa lokal na pamahalaan na matulungan ang mga apektadong pamilya.

Sa isinumiteng ulat ng Caloocan City Social Welfare Department (CCSWD), umabot sa 10,489 pamilya ang naapektuhan ng ma­tinding pag-ulan dulot ng hanging habagat sa buong lungsod na dinala sa 56 evacuation centers.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

ECHIVERRI

MAYOR ENRICO

NOONG HUWEBES

RECOM

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

STATE OF CALA

TULUYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with