Enrile makikipag-inuman kay PNoy para sa Chacha

MANILA, Philippines - Nakahanda si Senate President Juan Ponce Enrile na makipag-inuman kay Pangulong Aquino para makumbinsi lamang ito na kinakailangan ng amiyendahan ang Kons­titusyon.

Ayon kay Enrile, gusto niyang ipaliwanag sa Pa­ngulo kung bakit dapat ng magkaroon ng pagbabago sa Saligang Batas.

“Papausukan ko siya (PNoy) ng sigarilyo… eh kung kailangan makipag-inuman sa kanya,” sabi ni Enrile.

Ipinaliwanag pa ni Enrile na isinusulong niya ang Charter Change hindi upang baguhin ang Kons­titusyon kundi upang ga­wing mas “flexible” ang economic provision.

Ayon pa kay Enrile ba­gaman at malamig ang Malacañang sa Chacha, nangako naman si Speaker Feliciano Belmonte na ito ang magre-reach out sa Pangulo para matalakay ang economic provisions ng Saligang Batas.

Samantala, kontra naman si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Cha-cha ni Enrile. Hindi anya napapanahon para amiyendahan ang Konstitusyon at kung isusulong pa rin ito dapat ay sa pamamagitan ng constitutional convention.

Naniniwala si Santiago na magkakaroon ng ibang kulay at suspetsa kung gagawing isang consti­tuent assembly ang Kongreso para maisulong ang Chacha.

Show comments